Deployment ng tren sa LRT line 1 naantala ngayong umaga dahil sa nasirang wire

Nagkaroon ng pagkaantala sa deployment ng mga tren ng Light Rail Transit (LRT) line 1 bunsod ng nasirang catenary wire sa LRT-1 Depot sa Baclaran.
Ayon sa abiso, 13 tren pa lamang ang nai-deploy na bumibiyahe mula Baclaran Station to Roosevelt Station as of 5:30AM kanina.
Dapat sana ay 28 tren ang normal na bilang na mapapatakbo sa pagbubukas ngLRT-1.
Mamayang alas 9:00 pa ng umaga inaasahang makukumpleto ang deployment ng dagdag na mga tren.
Patuloy naman ang pagkukumpuni engineering team ng LRT sa nasirang wire.
Pinapayuhan ng pamunuan ng LRT-1 ang mga pasahero na maghanap ng ibang opsyon sa pagbiyahe upang hindi sila maabala.
“LRT-1 passengers are advised to consider other options to avoid delays on their trips this morning,” ayon sa abiso ng LRT-1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.