Bagyong Helen, nakalabas na ng bansa; isang bagong bagyo inaasahang papasok sa bansa Sabado

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2016 - 06:27 AM

(UDPATE) Nakalabas na ng bansa ang Bagyong Helen na may international name na Megi at ngayon ay nasa Taiwan na.

Kaugnay nito ay inalis na ng PAGASA ang lahat ng umiiral na tropical cyclone warning signal.

Sa kabila ng paglayo sa bansa, patuloy na hinahatak ng bagyo ang Habagat na nakapagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, mahina hanggang sa katamtaman pag-ulan na kung minsan ay may malakas na buhos ng ulan ang iiral ngayong araw sa Metro Manila, Central Luzon, CALABRZON, at lalawigan ng Mindoro.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang iiral sa buong Visayas, Ilocos, Bicol, nalalabing bahagi ng MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at CARAGA.

Habang magiging maulap din ang papawirin sa nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, isang panibagong bagyo naman ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Guam.

Huling namataan ang nasabing bagyo sa 3,110 kilometers east ng Luzon.

Isa na itong tropical storm at taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong pa-kanluran.

Ayon sa PAGASA, kung hindi mababago ang kasalukuyang kilos at direksyon nito, papasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa Sabado at tatawaging Igme.

Nananatili namang nakataas ang Yellow Warning sa Metro Manila, Bulacan, Bataan, Rizal at Cavite simula alas 4:00 ng madaling araw kanina.

Ayon sa PAGASA posibleng magdulot ng pagbaha ang malakas na pag-ulan na na nararanasan sa nasabing mga lugar.

Light to moderate na may occasional heavy rains naman ang nararanasan sa General Nakar, Quezon; Laguna, Batangas, Zambales at Pampanga.

Inabisuhan naman ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa susunod na abiso ng weather bureau.

 

 

TAGS: weather update, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.