Ugnayan ng Vietnam at Pilipinas, inaasahang mas titibay sa pagbisita doon ni Duterte

By Kabie Aenlle September 28, 2016 - 04:41 AM

 

Inquirer file photo

Nakatakdang tumungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Vietnam mamaya para sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng Philippines-Vietnam relations ngayong taon.

Mamayang gabi nakatakdang dumating sa Hanoi si Pangulong Duterte kasama ang ilang miyembro ng Gabinete para sa kanilang official visit na tatagal ng dalawang araw.

Inaasahang ang pagbisita ni Duterte sa Vietnam ay magpapatibay sa economic at defense relations nito at ng Pilipinas.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Charles Jose, pagkakataon na ito ng pangulo para mas pagtibayin ang magandang ugnayan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng pananaw tungkol sa mga international at regional issues.

Base sa kaniyang schedule, unang aktibidad ni Duterte sa Vietnam ay ang pakikipagpulong sa Filipino community sa Intercontinental hotel sa Hanoi para talakayin ang kampanya ng administrasyon laban sa droga at katiwalian.

Pagdating naman ng Huwebes, siksik ang schedule ng pangulo na binubuo ng mga pakikipagpulong sa pamahalaan gn Vietnam pati na rin sa mga communist leaders nito.

Bukas ay dadalo rin siya sa pagbibigay pugay sa Monument of Heroes and Martyrs at sa Ho Chi Minh Mausoleum.

Pagkatapos nito, tutungo ang pangulo sa State Palace para makapulong si Vietnam President Tran Dai Quang tungkol sa mga bilateral exchanges tulad ng maritime cooperation at pagpapaigting ng law enforcement at defense cooperation ng dalawang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.