Lalake sa Pennsylvania patay sa paglulon ng $500K na halaga ng heroin

By Kabie Aenlle September 28, 2016 - 04:34 AM

 

heroinLumunok umano ng aabot sa $500,000 na halaga ng heroin ang Guatemalan na natagpuang patay sa may isang guardrail o bakod sa tabi ng daan sa Pennsylvania.

Ito ay ayon kay Clearfield County Coroner Mike Morris, at sinabing ang ikinasawi ng lalaki ay ang pagputok ng isa sa mga pakete sa loob ng kaniyang katawan.

Ayon pa kay Morris, nakikipagtulungan na siya sa mga pulis at drug enforcement agency agents upang matukoy kung saan galing, at saan posibleng dadalhin ang mga drogang ibiniyahe ng Guatamelan.

Tinukoy ni Borris ang lalaki sa pangalang Boris Reyes, bagaman hindi pa nila makumpirma kung ilang taon na ito.

Natagpuan ang bangkay ni Reyes sa tabi ng isang kalsada noong September 16.

Pinaghihinalaan ng mga otoridad na si Reyes ay isang drug courier, at lumabas nga sa mga isinagawang pagsusuri sa kaniya na maraming pakete ng heroin ang kaniyang nilunok.

Hindi naman na tinukoy kung paano ibinalot ang iligal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng $250,000 hanggang $500,000.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.