Matapos mag-sorry: Cong. Espino, nagpasalamat kay Pres. Duterte

 

Animo’y nakahinga ng maluwag si Pangasinan Rep. Amado Espino matapos ma-sorry sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa inilabas nitong drug matrix.

Sa isang statement, sinabi ni Espino na nagpapasalamat siya sa Presidente sa paglilinis sa kanyang pangalan na naunag nagdadawit sa kanya sa kalakaran ng droga.

Ayon pa kay Espino, mula nang masabit siya sa isyu ng droga ay pinili niyang manahimik, dahil tiyak naman siya na hindi talaga siya sangkot sa anumang transaksyon sa ipinagbabawal na gamot.

Nagpapasalamat pa si Espino sa Punong Ehekutibo dahil timupad nito ang kanyang pangako na ire-revalidate ang matrix nang magkausap sila ng personal.

Kahanga-hanga aniya ang ipinakita ng Presidente na nagpaka-gentleman at tumanggap ng kamalian at humingi pa ng paumanhin sa publiko.

Ang pagkakamali naman aniya ni Pangulong Duterte ay hindi nagpabago ng pagtingin ng kanyang pamilya at mga kababayan sa Pangasinan sa Presidente.

Read more...