Matapos mag-sorry: Cong. Espino, nagpasalamat kay Pres. Duterte

By Isa Avendaño-Umali September 28, 2016 - 04:39 AM

 

Amado Espino Jr.Animo’y nakahinga ng maluwag si Pangasinan Rep. Amado Espino matapos ma-sorry sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa inilabas nitong drug matrix.

Sa isang statement, sinabi ni Espino na nagpapasalamat siya sa Presidente sa paglilinis sa kanyang pangalan na naunag nagdadawit sa kanya sa kalakaran ng droga.

Ayon pa kay Espino, mula nang masabit siya sa isyu ng droga ay pinili niyang manahimik, dahil tiyak naman siya na hindi talaga siya sangkot sa anumang transaksyon sa ipinagbabawal na gamot.

Nagpapasalamat pa si Espino sa Punong Ehekutibo dahil timupad nito ang kanyang pangako na ire-revalidate ang matrix nang magkausap sila ng personal.

Kahanga-hanga aniya ang ipinakita ng Presidente na nagpaka-gentleman at tumanggap ng kamalian at humingi pa ng paumanhin sa publiko.

Ang pagkakamali naman aniya ni Pangulong Duterte ay hindi nagpabago ng pagtingin ng kanyang pamilya at mga kababayan sa Pangasinan sa Presidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.