Kasunduan sa MRT at LRT common terminal lalagdaan na

By Den Macaranas September 27, 2016 - 07:44 PM

mrt-lrt
Inquirer file photo

Nakatakdang lumagda bukas sa isang compromise agreement ang mga stakeholders para sa isang common train station para sa MRT 3, MRT 7 at LRT 1.

Ang napili nilang lokasyon ay ang pagitan ng Sm North Edsa at Trinoma Mall sa kanto ng Edsa at North Avenue sa Quezon City.

Taong 2009 pa nabinbin ang nasabing proyekto nagpatagal sa pagsisimula ng konstruksyon ng MRT 7 na tatahak sa Quezon City hanggang sa San Jose del Monte sa Bulacan.

Sinabi ni Department of Transportation Sec. Arthur Tugade na nagkasundo ang SM Prime Holdings at ang TriNoma Mall para sa lugar na pagtatayuan ng common train terminal.

Noong August 2014 ay nakakuha ng Temporary Restraining Order mula sa Supreme Court ang SM Prime Holdings at ang LRTA.

Sinabi ng SM Group na nagbayad sila ng P200 Million para sa “naming rights” ng itatayong train station pero nakipagkasundo naman sa TriNoma Mall ang dating pamunuan ng Transportation Department.

Bilang tugon, sinabi ng mga dating opisyal ng DOTC na makakatipid ng halos ay P1 Billion ang pamahalaan kung itatayo ang terminal malapit sa TriNoma Mall.

Noong Setyembre 8 ay nagpulong ang mga top officials ng SM Prime Holdings, Ayala Mall, Metro Pacific Investments at San Miguel Corporations kung saan nabuo ang kasunduan.

Ang San Miguel Corporation ay mayroong 25-year concession agreement sa MRT kasama ang Universal LRT Corporation.

Ang Light Rail Manila Consortium (LRMC) na pinamumunuan ng Metro Pacific Investments Corporation at Ayala Mall ang siyang mangangasiwa sa design ng itatayong common train terminal.

TAGS: ayala, lrt edsa, MRT, SM, trinoma, ayala, lrt edsa, MRT, SM, trinoma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.