P300 Million nawala sa Bilibid raid ayon sa DOJ
Iimbestigahan na ng National Bureau of Investigation ang umano’y nawawalang P300 Million na nakuha mula sa isang anti-drug operations raid na ginawa sa New Bilibid Prisons noong 2014.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, sapat ang kanilang mga patunay na hindi lamang P1.6 Million ang nakuha sa mga kubol ng mga bigtime prisoners sa loob ng Bilibid sa ginawang raid noong December 15 2014 na pinangunahan ni dating DOJ Sec. Leila de Lima.
Ilang mag intelligence officers, preso at mga kasama sa raiding team ang umano’y magpapatunay na aabot sa P300 Million ang nakuhang pera sa raid.
Kasunod ng nasabing pagsalakay ay inilipat ng kulungan sa National Bureau of Investigation ang tinaguriang “Bilibid 19” na kinabibilangan ng mga drug lords na sina Herbert Colanggo at Peter Co.
Naiwan naman sa Bilibid si Jaybee Sebastian na sinasabing malapit kay de Lima.
Kamakailan ay sinabi ng mambabatas na “asset” ng gobyerno si Sebastian sa kampanya kontra droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.