Pilipinas tinawag na “falling star” ng mga LP Congressmen

By Isa Avendaño-Umali September 27, 2016 - 04:59 PM

Legitimate-8
Inquirer file photo

Nababahala ang mga miyembro ng Legitimate 8 sa paghina ng piso at stock market at ito umano ay dahil sa ‘reckless utterances’ o walang-preno mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na kung noong Aquino administration ay itinuturing sa buong mundo ang ekonomiya ng Pilipinas bilang brightest star, ang bansa umano ngayon ay isa nang falling star.

Aniya, ang mga salitang binitawan at bibitawan pa ng Pangulo ay maaaring makasira sa Philippine economy.

Malaki naman ang panghihinayang ni Caloocan City Rep. Edgar Erice dahil noong nakalipas na administrasyon ay bilib ang international community sa ekonomiya ng bansa subalit sa kasalukuyan ay nawala na raw ang ‘sting’ o lakas nito.

Ang mga problema aniya ang pagkakaiba ng statement ng mga opisyal ng Malakanyang, pagbabago ng foreign policies, malabong polisya ng gobyermo at kung hindi man bumagsak ay huminto ang pag-angat ng ekonomiya.

Sinabi pa ni Erice na tila na sina-sakripisyo ni Presidente Duterte ang trade relationships ng Pilipinas sa ibang mga bansa para lamang idepensa ang kampanya nito sa ilegal na droga.

Dagdag naman ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin, bukod sa paghina ng piso at stock market, may indikasyon din aniya ng paglaylay ng ekonomiya ang pagbaba ng Foreign Direct Investment.

Isang malaking hamon din aniya ang governance sa bansa na nakaka-apekto sa ekonomiya.

TAGS: Congress, duterte, lagman, legitimate 8, Congress, duterte, lagman, legitimate 8

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.