Pulong nina Duterte at mga lider ng CPP naging makasaysayan ayon sa Malakanyang

By Den Macaranas September 27, 2016 - 04:55 PM

Duterte Tiamzon
RTVM

Personal na pinasalamatan ng mga matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagpapalaya nito sa ilang mga political prisoners.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagmistulang meet and greet ang dinner kagabi ng pangulo sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na nagsilbing consultant ng peace panel ng CPP-National Democratic Front.

Ayon kay Abella, nagpahayag din ang mga lider ng grupo ng pagsuporta sa socio political reforms na isnusulong ng pangulon.

Dagdag pa ng kalihim, pursigido ang rebeldeng grupo na maselyuhan na ang usaping pangkapayapaan.

Nabatid na ikinakasa na ng pamahalaan at rebeldeng grupo ang ikalawang round ng peace negotiation sa Oslo Norway sa October 6 hanggang 10.

Bukod sa mag-asawang Tiamzon, nakasama rin sa dinner kagabi si NDF peace negotiating panel Chair Luis Jalandoni maging si government panel Chief Negotiator Silvestre Bello.

TAGS: CPP, duterte, Malakanyang, NDF, tiamzon, CPP, duterte, Malakanyang, NDF, tiamzon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.