Mega-shabu laboratory gagawing malaking rehab center sa Pampanga

By Den Macaranas, Ruel Perez September 27, 2016 - 04:05 PM

duterteKukumpiskahin ng pamahalaan ang lupa na kinatitirikan ng malaking shabu laboratory na nadiskubre sa Brgy. Lacquis Arayat, Pampanga.

Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatayo ang gobyerno ng isang malaking rehabilitation center sa nasabing lugar.

Sinabi ng pangulo na maglalaan siya ng budget dahil maganda ang nasabing lugar para sa mga dating sangkot sa droga na gustong magbagong-buhay.

Magkakaroon umano ng magkahiwalay na pasilidad para sa mga babae at lalaki na isasa-ilalim sa drug rehabilitation.

Ipinaliwanag rin sa publiko ng pangulo na limitado sa kasalukuyan ang kanilang budget sa kasalukuyan dahil ang perang kanilang ginagamit ay bahagi pa ng natirang pondo galing sa Aquino administration.

Muli rin niyang binatikos ang ilang mga kolumnista na umano’y nagmamagaling at pilit pa siyang tinuturuan kung paano ang tamang paglaban sa mga sindikato ng droga sa bansa.

TAGS: duterte, mega shabu lab, Pampanga, sunday chua, duterte, mega shabu lab, Pampanga, sunday chua

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.