Laban kontra droga at pagmumura ni Pangulong Duterte, walang kinalaman sa pagbagsak ng stock market

By Isa Avendaño-Umali September 27, 2016 - 01:23 PM

duterte-cdo2Itinuro ni House Appropriations Committee Chairman at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles ang global market forces bilang dahilan sa serye ng pagbagsak ng Philippine Stock Market.

Binigyang-diin ni Nograles na ang stock market losses ay hindi kasalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte, partikular ang kampanya nito laban sa ipinagbabawal na gamot, at pagmumura nito sa ilang western leaders na naging laman ng balita locally at internationally.

Sinabi pa ni Nograles na hindi dapat ginagamit ang isyu ng stock market bilang sukatan sa tatag ng ekonomiya ng Pilipinas.

Aniya, unpredictable ang portfolio investments dahil patuloy ang mga investor sa paghahanap ng mga kumikitang stocks.

May sumasailalim umano sa katatagan ng ekonomiya ang daloy ng foreign direct investment o FDI, na inaasahang lalong lalakas kapag magtagumpay ang giyera laban sa droga at krimen ng administration.

Malaking kunsiderasyon din sa FDI ang peace and order, na inaatupag din naman ng gobyerno.

Naniniwala rin si Nograles na ang nangyayari ngayonnsa stock market ay epekto ng nakaambang paghihigpit ng Estados Unidos sa monetary policy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.