Inilabas na ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang resulta ng kanilang isinagawang mining audit sa mga minahan sa bansa.
Nakasaad sa ulat ang rekumendasyon ni DENR Secretary Gina Lopez na suspendihin ang operasyon ng sampung mining firm habang nakapasa naman ang sampung iba pang kumpanya.
Samantala, mayroong dalawampung iba pang kumpanya ng pagmimina ang nangangailangan ng pagpapabuti ng kanilang operasyon sa ibat-ibang lalawigan sa bansa.
Kabilang sa mga kumpanya na sinuspinde ng kagawaran ay ang Libjo Mining Corp., AAMPHIL Natural Resources, Exploration and Development Corp., Krominco Inc., Agata Mining ventures, Hinatuan Mining, Benguet Corp., Lepanto Consolidated at Oceanagold.
Ayon kay Lopez, kung mapagbubuti lamang ang operasyon ng mga minahan sa bansa ay maiibsan ang kahirapan sa Pilipinas.
Kamakailan ay nagpakalat ang DENR ng labinganim na grupo para siyasatin ang operasyon ng mga mining companies sa bansa.
Una nang sinuspinde ng DENR ang operasyon ng tatlong minahan dahil sa ibat-ibang mga paglabag sa mining laws at ito ay ang Claver Mineral, Emir Mineral at Mt. Sinai.