11 biktima ng summary execution sa Maynila, ipinalibing na ng punerarya dahil walang nag-claim
Ipinalibing na ng St. Rich Funeral services ang mga bangkay ng mga napapatay sa drug operations sa Maynila at mga biktima ng summary executions na iniuugnay sa ilegal na droga na dinala sa kanila.
Ayon sa pamunuan ng punerarya, umabot na sa animnapung araw sa kanila ang mga bangkay kaya napilitan na silang ipalibing sa Manila North Cemetery ang labing isang bangkay matapos walang mag-claim na kaanak.
Sama-samang inilagay sa nitso ang mga bangkay na hindi na nakilala pa.
Ang mga inilibing na bangkay ay mga nasawi noon pang July 2016.
May walo pang bangkay sa nasabing punerarya ang hindi pa naipalilibing dahil hinihintay pa ang 60 araw.
Sa Oktubre muling magpapalibing ang nasabing punerarya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.