Iniimbestigahan na ngayon ng Philippine N PNP kung sino ang umano’y kontak mula sa gobyerno ng naarestong supplier ng matataas na kalibre ng grupong Abu Sayyaf.
Kinumpirma ni Philippine National Police Chief, Ronald Dela Rosa na galing sa government armory o pag-aari ng gobyerno ang libo-libong mga bala na nakumpiska ng PNP mula sa suspek na si Unding Kenneth Isa.
WATCH: Kontak sa gobyerno ng naarestong supplier ng armas ng ASG, inaalam na ng PNP | @iamruelperez pic.twitter.com/geS7ucPY7X
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 27, 2016
Aalamin din ng PNP, kung maging ang mga nasabat na matataas na kalibre ng baril ay galing din sa gobyerno.
Paliwanag ni Dela Rosa, malabong mabili ng legal ng sinumang sibilyan ang mga nasamsam na matataas na klaseng armas at bala.
Sa ngayon, intasan na ni Dela Rosa si Criminal Investigation and Detection and Group (CIDG) Director Roel Obusan para i-trace kung saan galing ang mga armas batay sa serial number nito.
Sa pagtaya ni Dela Rosa, nasa anim na milyong piso ang market value ng mga nakumpiskang bala at armas.