Ombudsman, pwedeng imbestigahan si Sen. Leila De Lima kung may sapat na batayan
Maari umanong magsagawa ng “motu propio” investigation ang office of the Ombudsman sakaling may sapat nang mga basehan ang mga akusasyon laban kay senador Leila de Lima na sinasabing may kaugnayan sa kalakaran ng iligal na droga.
Iyan ang sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Pero ayon sa kanya, sa kasalukuyan ay wala pang sapat na batayan para simulan ang imbestigasyon laban sa senadora.
Wala pa kasi aniyang matibay na charges laban kay De Lima at mahirap namang mangapa sila sa dilim.
Pero ani Morales, titingnan nila ito habang umuusad ang panahon.
Ayon kay Morales, hindi sapat ang mga newspaper reports para pasimulan ang pagsisiyasat.
Magkaiba daw kasi aniya headlines sa factual findings.
Sa katunayan ay nasa hurisdiksiyon aniya ng Ombudsman ang magsiyasat kapag nakitaan nila ng sapat na batayan ang mga alegasyon.
Nilinaw din nito na hindi maapektuhan ang kanyang trabaho ng anumang political affiliations at walang dahilan para siya ay maging biased sa kung kaninuman.
Nang tanungin naman si Morales kung naisip ba niya na corrupt si De Dima? Sumagot ito ng “wala akong alam”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.