International flights, kanselado dahil sa masamang panahon

NAIA1Kanselado dahil sama ng panahon ang anim na international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) kinansela ang flight CI 702/703 Manila-Taipei-Manila ng China Airlines.

Kanselado din ang apat na flights ng Philippine Airlines na PR 428/427 Manila-Narita-Manila at PR 896/897 Manila-Kansai-Manila.’

Ayon sa abiso ng MIAA, masamang panahon ang dahilan ng pagkansela sa nabanggit na mga biyahe.

 

Read more...