2 hinihinalang carnapper patay sa engkwentro sa QC

By Rohanisa Abbas September 27, 2016 - 09:35 AM

crime-scene-620x413Dalawang hinihinalang carnapper ang napatay ng pulisya sa shootout na naganap sa Quezon City.

Ayon kay Senior Inspector Paterno Domondon Jr. ng District Special Operations Unit ng Quezon City Police District, nakatanggap sila ng impormasyon na pinagtatanggal-tanggal ng isang grupo ng kalalakihan ang mga bahagi ng isang hinihinalang nakaw na dump truck sa Legazpi Steet, Phase 1, Lupang Pangako sa Payatas, madaling araw ng Martes.

Agad namang pinuntahan ng pulisya ang lugar at nakumpirma na ninakaw nga ang trak.

Gayunpaman, hindi nadatnan ng pulisya ang mga suspek, kaya bumalik ang mga pulis sa Camp Karingal.

Nang makatanggap ng tip na bumalik ang mga suspek sa lugar at binalikan sila ng mga otoridad at naaktuhan pang gumagamit ng shabu ang mga suspek.

Pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis kaya nagawang nakatakas ng dalawa sa mga ito.

Napatay naman ng mga pulis ang dalawa pang suspek na hindi pa nakikilala.

Nakuha sa lugar ang isang 9mm pistol at .45 pistol mula sa mga suspek.

Natagpuan din ang shabu, marijuana at drug paraphernalia sa trak.

 

 

 

TAGS: 2 suspected carnapper killed in QC encounter, 2 suspected carnapper killed in QC encounter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.