5 personalidad isa-subpoena sa Bilibid probe ng Kamara; Jaybee Sebastian at Ronie Daya kabilang sa ipatatawag

By Isa Avendaño-Umali September 27, 2016 - 08:31 AM

JAYBEE SEBASTIANNadagdagan pa ang mga personalidad na isa-subpoena ng House Justice Committee upang paharapin sa ikatlong congressional inquiry kaugnay sa drug trade sa New Bilibid Prisons o NBP sa October 5.

Ayon sa chairman ng lupon na si Rep. Reynaldo Umali, lima ang kumpirmadong isa-subpoena at sila’y sina drug lord Jaybee Sebastian, Ronnie Dayan na dating driver ni Senadora Leila de Lima, Joenel Sanchez na security aide ni De Lima, dating BuCor Director Franklin Bucayu at Presidential Anti-Organized Crime Commission Executive Director Reginald Villasanta.

Sinabi ni Umali na tapos na ng committee secretariat ang draft ng subpoena para sa lima, at i-aakyat na sa opisina ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Batay sa mga naunang testimonya ng nga saksi, si Sebatian ay ang may kontrol umano ng drug trade sa Bilibid, habang si Dayan ay kumubra raw ng 10 million pesos na drug money at si Sanchez ang nagsilbing bagman ni De Lima noon.

Si Bucayu naman ay nakatanggap rin umano ng P1.2 million pesos na drug money kada buwan noong nasa pwesto pa sa BuCor, samantalang si Villasanta ay binanggit ni PNP Director Benjamin Magalong bilang isa sa mga kasama sa December 2014 raid sa NBP kung saan naitsapwera ang CIDG.

 

TAGS: House probe on illegal drug trade inside bilibid, House probe on illegal drug trade inside bilibid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.