Class suspension ngayong araw, Sept. 27, 2016

walang pasokDahil sa sama ng panahon, sinuspinde na ang klase sa Iloilo City.

Sa Facebook page ng Iloilo City Government, inanunsyo ni Mayor Jed Patrick Mabilog na suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa lungsod ngayong araw sa mga pribado at pampublikong paaralan.

Ayon sa alkalde, nakararanas na ng pagbaha sa lungsod dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan.

Sa abiso ng PAGASA, kabilang ang Western Visayas sa makararanas ng pag-ulan ngayong araw dahil sa Habagat na pinalalakas ng bagyong Helen.

Samantala ayon sa PAGASA, as of 5:05 ng umaga kanina, apektado ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na kung minsan ay may malakas na buhos ng ulan ang Bulacan; Bataan at ang mga bayan ng San Marcelino, San Antonio, Subic at Olongapo sa Zambales, gayundin ang Rodriguez Rizal.

Tatatagal ng dalawang oras ang nararanasan pag-ulan sa nasabing mga lugar habang sa susunod na dalawang oras, maaapektuhan na din ng pag-ulan ang mga lalawigan ng Cavite, Batangas at Laguna gayundin ang Metro Manila.

 

 

 

Read more...