Bagyong Helen, lumakas pa, tatama sa kalupaan ng Taiwan ngayong hapon

By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2016 - 06:23 AM

Bahagya pang lumakas ang Typhoon Helen habang papalapit sa Taiwan.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 320 kilometers Northeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 160 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 195 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong West Northwest.

Mamayang hapon ay maglalandfall ang bagyong Helen sa Taiwan at mamayang gabi ay lalabas na ito ng PAR.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Batanes Group of Islands, at signal number 1 naman sa Northern Cagayan at sa Babuyan Group of Islands.

Samantala sa lagay ng panahon ngayong araw, makararanas ng mauling panahon sa Batanes Group of Islands dahil sa bagyong Helen.

Maulan din na may malakas na hangin ang aasahan sa Northern Cagayan kabilang ang Babuyan group of islands.

Habang maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa MIMAROPA, Western Visayas, at mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Zambales, Bataan, Ilocos Norte, Apayao nalalabing bahagi ng Cagayan.

Bahagyang maulap naman na mayroong isolated rainshowers o thunderstorms ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

 

 

TAGS: Typhoon Helen, Typhoon Helen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.