3 sunog na ulo at katawan, natagpuan sa Quezon

By Kabie Aenlle September 27, 2016 - 04:17 AM

 

crime-scene-tapeNatagpuan ng mga tanod ang tatlong sunog na sunog na ulo ng mga tao sa bayan ng Mulanay sa Quezon Province kahapon.

Ayon sa hepe ng Malunay police na si Senior Insp. Bonna Abuyan-Obmerga unang natagpuan ng mga tanod ang isang ulo sa Brgy. Cambuga dakong alas-10:00 ng umaga.

Dahil dito, sinimulan nila agad ang paghahanap sa nawawala nitong katawan, ngunit imbis ito ang matagpuan, nakita nila ang isa pang sako na naglalaman ng dalawa pang sunog na ulo malapit sa napagkuhanan nila ng unang ulo.

Bandang tanghali naman, isang grupo ng mga tanod at mga pulis ang nakakita sa isang bahagi ng katawan sa parehong barangay pero nasa isang kilometro ang layo kung saan natagpuan ang tatlong ulo.

Ayon kay Obmerga, ang nakita niya al isang bahagi ng katawan mula bewang pababa na pawang sunog na rin, habang nawawala pa rin ang natitira pang bahagi ng katawan nito.

Wala namang natanggap ang pulisya na anumang ulat ng nawawalang mga tao sa kanilang nasasakop na munisipalidad kamakailan.

Gayunman, ayon kay Obmerga, inalerto na niya lahat ng mga opisyal ng barangay kaugnay sa paghahanap sa mga bahagi ng katawan.

Dagdag naman ni Obmerga, pagdating ng hapon ng Lunes ay nakatanggap siya ng impormasyong apat na kalalakihan ang napa-ulat na nawawala sa bayan ng Calauag sa Quezon.

Kinumpirma ito mismo ni Chief Insp. Michael Encio na hepe ng Calauag police, at sinabing ang mga kaanak ng apat na lalaki ay tumungo sa pulisya kahapon para i-ulat ang pagkawala ng mga ito mula pa noong Linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.