‘Helen’ pinakamalapit sa Batanes ngayong umaga

By Jay Dones September 27, 2016 - 04:20 AM

 

helen sept27Napanatili ng bagyong ‘Helen’ ang kanyang lakas habang tinatahak ang direksyon ng Taiwan.

Sa 11 PM update ng PAGASA, namataan ang bagyo sa 355 kilometro east northeast ng Basco, Batanes.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas na 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 185 kph.

Tinatahak nito ang north northwest direction sa bilis na 20 kilometers per hour.

Signal number 2 ang nakataas sa Batanes Group of Islands.

Signal number 1 naman ang nakataas sa Northern Cagayan kabilang na ang Babuyan Group of Islands.

Inaasahang lalabas na sa PAR ang bagyo Miyerkules ng gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.