De Lima, tiyak na makukulong-Duterte

By Chona Yu September 27, 2016 - 04:25 AM

 

Inquirer file photo

Kumpiyansa ang Pangulong Rodrigo Duterte na makukulong si Senador Leila De Lima.

Ito ay dahil sa pagkakasangkot ng senadora sa operasyon ng ilogal na droga.

Sa question and answer portion matapos ang oath taking ng mga bagong opisyal ng Malacañang, sinabi ng pangulo na ididikit na lamang niya ang kulungan ni De Lima sa New Bilibid Prison at gagawan ng daanan para mabilis na makapasok sa kulungan ng mga drug lord sa NBP at agad na makahanap ng mga bagong lover.

Nanindigan pa ang pangulo na matibay ang hawak niyang ebidensya laban kay De Lima, sabay patutsada sa mga Pilipinong bumoto sa senadora dahil giit niya, isang narco-politician ang kanilang inihalal.

Patung-patong na kaso rin aniya ang kahaharapin ni De Lima at pawang non-bailable ang mga ito.

Samantala, binanggit pa ng pangulo na may hawak siyang sex video ni De Lima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.