Eroplano ng Cebu Pacific, nasunog sa runway sa Mactan

September 27, 2016 - 04:18 AM

 

Inquirer file photo

Nasunog ang bahagi ng isa sa mga propeller-type na eroplano ng Cebu Pacific (CEB) matapos mag-abort ng take-off sa Mactan Cebu International Airport Authority (MCIAA) kagabi.

Ayon kay CEB vice president for corporate affairs Atty. JR Mantaring, inabort ng Flight DG6577 na may biyaheng Cebu to Tacloban dahil sa fluctuationg oil indication sa isa sa mga makina nito.

Nakatakda sanang umalis ang eroplano patungong Tacloban ganap na 6:10 ng gabi ng Lunes.

Habang nagta-taxi matapos i-abort ang take off, nasunog ang isa sa mga gulong nito kaya agad na inilikas ng mga crew ang mga pasahero.

Agad na rumesponde ang volunteers ng fire and rescue department ng MCIAA at ang Emergency Rescue Unit Foundation (ERUF) na naka-base sa Lapu-Lapu City.

Naganap ang insidente pasado alas-6 ng gabi, at dumating ang mga bumbero ganap na 7:36 ng gabi, kaya under control na agad ang sunog pagdating ng 7:54 pm.

Ayon naman kay Mantaring, ligtas namang nailikas ang 67 na pasahero at crew, bagaman isa sa mga ito ay nagtamo ng minor injury.

Tinulungan naman ng mga tauhan ng paliparan, ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at CEB ang mga naapektuhang pasahero.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga CAAP aircraft accident inspectors ang insidente at ang dahilan ng sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.