Piso, bumulusok sa pinakamababang antas sa loob ng 7 taon

By Kabie Aenlle September 27, 2016 - 04:24 AM

 

Inquirer file photo

Bumagsak sa pinakamababang antas sa loob ng pitong taon ang piso kontra dolyar kahapon.

Nagsara ang piso sa 48.25 kontra $1 kahapon, araw ng Lunes, na pinakamababang inabot ng antas nito mula nang magsara ito ng 48.335 kontra $1 noong September 15, 2009.

Ito’y sa harap na rin ng mga agam-agam ng mga investors sa mga polisiya at kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga, na sinabayan pa ng mga external developments na nagdudulot.

Tumaas ang total volume ng trade sa $758.5 million mula sa $590.5 million sa noong nagtapos ang nakaraang linggo.

Paliwanag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando M. Tetangco Jr., ang paggalaw sa halaga ng piso ay sumasalamin sa nagpapatuloy na agam-agam sa susunod na policy action ng US Federal Reserve.

Dagdag pa ni Tetangco, ito rin ay dahil sa “strong foreign exchange demand for fixing and corporate requirements.”

Ayon naman kay Finance Sec. Carlos Dominguez III, hindi lang ang piso ang bumabagsak sa buong mundo.

Para naman kay Joey Cuyegkeng na senior economist sa ING Bank Manila, patuloy ang underperformance ng Philippine peso sa Asian currencies.

Aniya pa, pinapalala ng mga external factors tulad ng mga economic developments ng China, ng European Union at ng Japan, ang paghina ng piso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.