Sen. Honasan pinakakasuhan ng Ombudsman dahil sa 29-M PDAF scam

By Alvin Barcelona September 27, 2016 - 04:21 AM

 

Inquirer file photo

Ipinag- utos na ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagsasampa ng kaso laban kay Senador Gregorio Honasan.

Si Honasan, kasama ang siyam na iba pa ay nakatakdang kasuhan sa Sandiganbayan ng tatlong kaso ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019).

Sa ginawang imbestigasyon ng Ombudsman, lumitaw na noong 2012, naglabas ang Dept. of Budget and Management (DBM) ng 30 milyong pisong bahagi ng PDAF ni Honasan para pondohan ang small and medium enterprise/livelihood projects para sa  mga Muslim Filipinos na naninirahan sa National Capital Region at Zambales.

Base sa mga dokumento, malinaw na noong June 2012, inendorso ni Honasan ang Focus Development Goals Foundation Inc.,  bilang NGO-partner nang hindi sinusunod ang procurement regulations.

Dahil naman sa paulit-ulit na iligal na paglilipat ng public funds sa nasabing NGO, nagresulta ito sa pagkawala ng pondo ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.