Duterte: “Susmaryosep de Lima!”

By Chona Yu September 26, 2016 - 08:39 PM

duterte01
Inquirer file photo

Susmaryosep! Tugon ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tanong ni Senador Leila de Lima kung nagkakagusto na siya sa mambabatas.

Ayon sa pangulo, nawawalan siya ng appetite o ganang kumain tuwing pinanonood niya ang “sex video” ni de Lima.

Paliwanag pa ni Duterte, malabong mangyaring magkagusto siya kay de Lima dahil hindi naman siya guwardiya, hindi rin siya motorcycle cop at lalong hindi aniya siya isang convict.

Sinabi ng pangulo na si de Lima ang nagsimula ng lahat ng problema nito ngayon at hindi siya tulad inilulutang ng Senadora na siya ang nasa likod ng mga hakbang para mapatalsik siya sa Senado.

Idinagdag pa ni Pangulong Duterte na lumaki ang ulo ni de Lima dahil sa kanyang ambisyon sa pulitika.

Hindi aniya masama ang mag-ambisyon ng mas mataas na puwesto pero madidiskaril daw ito dahil mga isyung kinakaharap ni de Lima.

TAGS: de lima, duterte, Illegal Drugs, de lima, duterte, Illegal Drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.