DOJ magpapatupad ng random drug tests

Aguirre
Inquirer file photo

Bilang pagtalima sa anti-drug campaign ng pamahalaan, sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na magsasagawa sila ng random drug tests sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng kagawaran.

Sa ika-119 na taong anibersaryo ng DOJ, sinabi ni Aguirre na walang puwang sa kanilang tanggapan ang mga sangkot sa pagtutulak pati na rin ang mga drug users.

Binanggit din ng opisyal na unti-unti nang nakikita ang tagumpay ng pamahalaan sa mga operasyon kontra sa droga.

At bilang isa sa pinaka-malaking ahensya sa gobyerno marapat lamang ayon sa kalihim na tiyaking drug-free ang kanilang ginagalawang tanggapan.

Kabilang sa mga ahensya sa ilalim ng DOJ ang National Bureau of Investigation, Bureau of Corrections, Public Attorney’s Office at Bureau of Immigration.

Read more...