De Lima kay Duterte: “May gusto po ba kayo sa akin?”

By Den Macaranas September 26, 2016 - 04:55 PM

duterte-de-lima
Inquirer file photo

“Naawa na po ako sa inyo mahal na Pangulo, tigilan na ninyo ako. Ano po ang gusto ninyo sa akin?”

Yan ang naging tugon ni Sen. Leila de Lima kaugnay sa pinakahuling pag-atake sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Malacañang.

Sa kanyang talumpati sa oath-taking ng mga bagong opisyal ng Malacañang Press Corps, sinabi ni Duterte na posibleng naging “sexual asset” ni de Lima ang gang leader sa loob ng New Bilibid Prisons na si Jaybee Sebastian.

Ilang beses ding minura ni Duterte ni de Lima sa loob ng kanyang talumpati.

Bilang sagot, sinabi naman ni de Lima na hindi niya alam ang dahilan kung bakit naging mainit sa kanya ang pangulo lalo sa mga nakalipas na araw.

Sinabi rin ni de Lima na alam niyang lahat ay gagawin ng administrasyong Duterte para siya idiin sa kaso ng illegal drugs pero nakahanda siya na harapin ito.

TAGS: de lima, duterte, sebastian, senate, de lima, duterte, sebastian, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.