KAPPT susuporta sa anti-drug operations ng gobyerno

By Den Macaranas September 26, 2016 - 03:06 PM

rez-cortez
Inquirer file photo

Tiniyak ni Kapisanan ng mga sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT) President Rez Cortez na nakikiisa ang kanilang hanay sa kampanya laban sa iligal na droga ng Duterte administration.

Sa kayang pahayag, sinabi ni Cortez na marami nang lumabas na mga balita laban sa mga umano’y mga artistang lulong sa droga pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita ang naturang listahan.

Nakiusap din siya sa pamahalaan na idaan sa proseso ng batas at bigyan ng due process ang mga artistang sinabing nasa narco list ni Duterte.

Naunan nang sinabi ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President  Martin Diño na hindi bababa sa limampu ang pangalan ng mga artistang nasa listahan ng pangulo.

Karamihan umano sa mga ito ay lulong sa paggamit ng mga party drugs.

Kaninang umaga ay sinabi ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa na handa silang isailalim sa “Oplan Tokhang” ang mga suspected drug pushers at users sa showbiz industry.

TAGS: duterte, Illegal Drugs, kappt, rez cortez, duterte, Illegal Drugs, kappt, rez cortez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.