House Bill para hindi masuspinde ang mga kongresista inihain sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali September 26, 2016 - 02:53 PM

House of Representatives
Inquirer file photo

Isang panukalang batas ang inihain ng mga lider ng Kamara na layong makaiwas na sa suspension ang mga Kongresista na nakakasuhan sa Sandiganbayan dahil sa mga anomalaya o iregularidad na nangyari noong sila’y nasa dati pa nilang posisyon sa gobyerno.

Sa House Bill 3605 na ini-akda nina House Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Farinas, House Minority Leader Danilo Suarez at Kabayan Partylist Rep. Harry Roque, pina-aamyendahan nila ang Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Mahigit sa limampung Kongresista na ang pumirma bilang pagsuporta o co-author ng panukala.

Nakasaad sa naturang House Bill na bibigyan na ng exemption sa pagpapataw ng preventive suspension ng hukuman ang sinumang opisyal ng gobyerno na hindi na konektado sa dating pwesto sa pamahalaan kung saan nag-ugat ang kasong kinakaharap.

Punto ng mga may-akda, ang preventive suspension ay naglalayon lamang na hindi maimpluwensyahan ng akusado ang mga saksi o mapakialaman ang mga record o ebidensya.

Pero kung wala na sa dating posisyon o iba na ang pwestong pinaglilingkuran, wala na umanong rason para mangambang makakaimpluwensya ang akusado.

Sa ngayon, pinatawan ng preventive suspension ng Sandiganbayan sina Camarines Sur Cong. L-Ray Villafuerte at Pangagasinan Cong. Amado Espino dahil sa magkahiwalay na kaso na nangyari noong silang lokal na opisyal ng kani-kanilang nasasakupan.

TAGS: Espino, house bill, sandiganbayan, villafuerte, Espino, house bill, sandiganbayan, villafuerte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.