Arraignment kay Lt. Col. Ferdinand Marcelino, ipinagpaliban ng korte

By Ricky Brozas September 26, 2016 - 12:12 PM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Pansamantalang ipinagpaliban ng Mababang Hukuman ang arraignment o pagbasa ng sakdal sa kasong possession of dangerous drugs laban kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino.

Ayon kay Public Attorneys Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta, ang tumatayong abogado ni Marcelino, binigyan ng sampung araw ni Judge Felicitas Laron-Cacanindin ng Manila RTC Branch 17 ang panig ng prosekusyon para magsumite ng komento sa mosyon ni Marcelino.

Sa 23-pahinang mosyon ni Marcelino at Chinese na si Yan Yi Shou, hiniling nila sa Korte na mabasura ang kasong isinampa ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagkakatagpo sa kanila sa loob ng clandestine shabu laboratory sa Sta. Cruz, Maynila nuong January 21, 2016.

Partikular nilang hiniling sa korte na suspindihin ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa dalawang akusado, huwag munang magtakda ng arraignment o pagbasa ng sakdal, at mabasura ang kaso dahil sa kawalan ng probable cause.

Iginiit sa mosyon na bago pa man ang kinukuwestiyong September 15, 2016 resolution ng DOJ, mayroon nang dalawang resolusyon na nagsasabing mahina ang ebidensya laban kina Marcelino at Yan Yi Shou at ito ay ang May 27, 2016 resolution ng Quezon City RTC branch 82 at ang naunang DOJ resolution na may petsang May 23, 2016.

Hindi rin umano nasunod ang chain of custody sa mga nasamsam na ebidensya dahil walang deklarasyon at ang pag-iimbentaryo ay hindi ginawa sa harap ng mga akusado at wala ring kaharap na kinatawan ang DOJ.

 

 

TAGS: Court defers Ferdinand Marcelino's arraignment, Court defers Ferdinand Marcelino's arraignment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.