Mga celebrities na nasa drug list, pwedeng isailalim sa Oplan Tokhang ayon kay Dela Rosa

By Rohanisa Abbas September 26, 2016 - 11:50 AM

Kuha ni Mariel Cruz
Kuha ni Mariel Cruz

Posibleng isailalim din sa Oplan Tokhang ang mgce celebrities na nasa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa, kung makakakuha siya ng kopya ng listahan, pewdeng isailalim sa Tokhang ang mga showbiz personalities na sinasabing gumagamit o nagtutulak ng droga.

Aminado naman si Dela Rosa na sa ngayon hindi pa niya nakikita ang bagong listahan.

Ani Dela Rosa, sakaling nasa kaniya na ang listahan pwedeng papuntahan ang mga celebrities sa kanilang bahay at istasyon ng telebisyon at kukumbinsihing na sumuko ang mga ito.

Ayon kay Dela Rosa, kung naisasailalim sa Oplan Tokhang ang mga high-end subdivision pwede ring isailalim sa proseso ang mga tanyag na personalidad.

Nauna na nang sinabi incoming Subic Bay Metropolitan chairman Martin Diño na hindi bababa sa 50 celebrities ang nasa listahan.

Sa nasabing bilang, hindi umano bababa sa sampu ay nagtutulak ng droga.

Hindi naman pinangalanan ni Diño ang mga celebrities.

 

 

TAGS: Oplan Tokhang, Oplan Tokhang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.