Sa weather bulletin ng PAGASA, ang Typhoon Helen ay huling namataan sa 530 kilometers East ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong West Northwest.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Batanes Group of Islands.
Binalaan ng PAGASA ang mga residente sa nasabing isla hinggil sa posibleng pagkakaroon ng storme surge sa coastal areas.
Nakataas naman ang signal number 1 naman sa Northern Cagayan, kasama ang Babuyan Group of Islands.
Kung hindi mababago ang kilos bukas ng hapon ay inaasahang nasa Taiwan na ang bagyo.