Hinihinalang lider ng grupong sangkot sa drug trafficking at gun-for-hire, arestado sa Antipolo

By Rohanisa Abbas September 26, 2016 - 10:13 AM

high-grade-shabuArestado ang isang lalaking hinihinalang lider ng grupong sangkot sa drug trafficking, robbery hold-up at gun-for-hire sa Antipolo City.

Isinilbi ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Special Action Force ang arrest warrant kay Salvador Castro alias Lawin sa kanyang bahay.

Hindi naman na nanlaban pa ang suspek.

Gayunman, itinanggi naman ni Castro ang paratang sa kanya.

Aniya, marahil ay kapangalan lamang niya ang totoong hinahanap ng pulisya.

Dagdag pa ni Castro, noong kumuha siya ng clearance sa National Bureau of Investigation (NBI) ay napag-alaman niya na mayroon siyang kapangalan na may kaso.

Paglilinaw ni Castro, walang anumang kaso na isinasampa laban sa kanya.

Maging ang mga opisyal ng kanyang barangay ay sinabing wala silang natanggap na reklamo laban kay Castro.

Narekober naman ng mga otoridad ang ilang kutsilyo, kable na diumano’y ginagamit sa pagpapasabog ng bomba, mga bala, at .38-calibre revolver.

 

 

TAGS: lider of drug trafficking and gun for hire group arrested in Antipolo City, lider of drug trafficking and gun for hire group arrested in Antipolo City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.