Sistema ng paglaban sa droga sa Colombia, kokopyahin ni PNP Chief Dela Rosa

By Ruel Perez September 26, 2016 - 09:12 AM

dela-rosa21Gagamitin umano ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa ang ilan sa mga paraan na ginagawa ginawa ng bansang Colombia para maipatupad ang giyera kontra ilegal na droga.

Nagtungo sa Colombia si Dela Rosa para dumalo sa isang conference tungkol sa droga at terorismo na inorganisa ng State Department ng Estados Unidos.

Sa Colombia, nakausap ni Dela Rosa ang kanyang counterpart na si Colombian National Police Chief Jorge Hernando Nieto at doon natalakay umano nila ang parehong problema na kinahaharap ng dalawang bansa, partikular ang illegal drugs at insurgency.

Ayon kay Dela Rosa, maganda ang sistema na ginawa ng Colombia sa higit tatlong dekadang giyera kontra droga na nagresulta para maibagsak ang isa sa pinakamalaking drug cartel noon sa mundo na pinamumunuan ni Pablo Escobar.

Dagdag pa ng PNP chief, imumungkahi niya sa kongreso ang ilan sa mga batas na umiiral sa Colombia.

Balik bansa na si Dela Rosa matapos ang halos isang linggong pagbisita sa Colombia.

 

TAGS: PNP Chief dela Rosa, PNP Chief dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.