Panibagong pagsabog sa Baghdad, inako ng ISIS

By Dona Dominguez-Cargullo September 26, 2016 - 07:34 AM

baghdadInako ng Islamic State ang responsibilidad sa pagpapasabog na naganap sa Baghdad Iraq noong Linggo na ikinasawi ng pitong katao at ikinasugat ng 28 iba pa.

Isang lalaki na mula sa Sunni group ang pinasabog ang kaniyang sarili sa isang commercial street sa Baghdad.

Target umano ng nasabing pag-atake ang mga miyembro ng Badr Organization.

Patuloy ang pagpapalakas ng mga pag-atake ng IS sa mga government-held areas sa Iraq.

Noong Hulyo, inako din ng IS ang truck bombing na ikinasawi ng hindi bababa sa 324 na katao sa Karrada shopping area sa Baghdad, na itinuturing na deadliest single attack sa Iraq mula noong 2003.

 

 

 

TAGS: IS claims Baghdad attack that kills seven, IS claims Baghdad attack that kills seven

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.