6 sugatan, kabilang ang 3 pulis sa panghahagis ng granda sa QC

By Jong Manlapaz September 26, 2016 - 06:59 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Nasugatan ang anim na katao kabilang ang tatlong Police Quezon City, makaraan silang tapunan ng granada sa Barangay Culiat sa Quezon City.

Dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang naghagis umano ng granda sa bungad ng Salam Mosque compound sa nasabing barangay.

Kabilang sa nasugatan ang tatlong pulis na sina PO2 Abdul Warid Julaid, SPO1 Romeo Aming at PO3 Jalain Abdul Rajic, sugatan din sina dating SPO2 Alag Sala Uddin, Cadapi Ujan at Junri Tioc.

Ayon kay SPO2 Hassan Adi, chairman ng peace and order sa Salam compound, posibleng nagalit at gumaganti na ang mga bigtime drug pusher sa naturang lugar na naapektuhan ng pinaigting na drug campaign ng pamahalaan.

Nakuha naman ang pin, lever at shrapnel sa crime scene, na hinihinalang galing sa granada na hinagis ng riding-in-tandem sa pwesto ng mga pulis.

Patuloy pa ang follow-up operation para madakip ang mga suspek, habang ginagamot sa ospital ang mga nasugatan.

 


 

TAGS: 6 injured in grenade throwing incident in QC, 6 injured in grenade throwing incident in QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.