Ayon sa 11pm weather bulletin ng PAGASA, taglay nito ang lakas ng hangin na 140 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 175 kilometers per hour.
May bilis itong 22 kilometers per hour at inaasahang patuloy pang tatahakin ang west northwest direction.
Huling namataan ang bagyo sa 745 kilometers east ng Basco, Batanes.
Itinaas naman na ang public storm warning signal no. 2 sa Batanes, habang nananatiling signal no. 1 ang nakataas sa Babuyan Group of Islands.
Inaasahang magdadala ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang bagyo sa mga lugar na nasasakop ng 800-kilometer diameter nito.
Samantala, hindi naman ito inaasahang mag-landfall sa extreme northern Luzon.
Kung patuloy naman ang pagtahak nito sa parehong direksyon at bilis, inaasahang lalabas na ito ng Philippine area of responsibility (PAR) bukas ng gabi.