Kabilang na rito ang mga hakbang ng pamahalaan sa mga sitwasyon ng mga gumagamit ng iligal na droga, at pati na rin ang mismong kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban dito na nauwi sa pagpatay sa mga drug suspects.
Ayon sa nasabing ahensya, pag-aaralan ng UN Committee on Economic, Social and Cultural Rights kung paano nakakasunod ang Pilipinas sa International Convenant on Economic, Social and Cultural Rights (ICESCR) sa September 28 hanggang 29.
Pero nilinaw ni UNHRC press attache Liz Throssell na hindi partikular na kasama ang isyu ng extrajudicial killings sa nasabing review ng komite.
Matatandaang inanyayahan ni Pangulong Duterte kamakailan sa isang pahayag ang United Nations na imbestigahan ang sinasabing isyu ng extra-judicial killings dito sa bansa na lumalaganap kasabay ng kampanya kontra iligal na droga.
Gayunman ayon kay Throssell, kadalasang tinatanong ng UNHRC ang mga bansa tungkol sa kanilang mga paraan sa harm reduction, paghawak sa mga kaso ng pag-abuso sa iligal na droga at sa mga gumagamit nito alinsunod sa Article 12 ng Convenant-right to health.
Dahil dito, posible aniyang magkaroon ng makabuluhang diskusyon tungkol sa isyu ng extra-judicial killings sa session.
Isa ang Pilipinas sa 164 na bansang lumagda sa ICESCR, kaya kailangan talaga itong sumailalim sa regular na pagsisiyasat ng komite.
Ilalabas ng UNHRC ang kanilang mga findings sa review nila sa Pilipinas sa October 10, 2016, kasabay ng mga resulta sa Costa Rica, Cyprus, Poland, Tunisia, Lebanon, at Dominican Republic.