NDRRMC, nakahandang tumugon sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Helen
Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nakahanda silang tumugon sa mga lugar na direktang tatamaan ng bagyong Helen.
Ayon kay NDRRMC chief Ricardo Jalad, kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa mga concerned agency para matulungan ang Batanes na maging handa sa posibleng epekto ng bagyo.
Binanggit din ni Jalad na nakikipag-usap na ang NDRRMC kay Batanes Governor Marilou Cayco.
Matagal na aniya nakahanda ang disaster team sa Batanes dahil kamakailan lamang ay tumama din sa probinsya ang bagyong Ferdie.
Samantala, sinabi ni Jalad na sa susunod na linggo pa dadating ang post-disaster assessment team sa Batanes para sa rehabilitasyon ng probinsya.
Hindi pa aniya nila maipadala ito ngayon dahil sa sama ng panahon.
Matatandaang pinaka naapektuhan ng bagyong Ferdie ang bayan ng Basco sa Batanes kahit pa sa Itbayat nag-landfall ang naturang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.