Ayon kay MMDA spokesperson Celina Pialago, inihahanda na nila ang kanilang radio equipment para sa mas maayos na koordinasyon sa HPG at magpapatupad sila ng ‘sectorization’ sa ilang bahagi ng Metro Manila, kabilang na ang CAMANAVA, C5, EDSA at ilang lugar sa Quezon City.
Bukod dito, magsasagawa aniya ang MMDA at HPG ng information dessemination sa mga motorista ukol sa ipapatupad nilang sectorization.
Sinabi rin ni Pialago na magpapatuloy ang mga clearing operations na isasagawa sa “Mabuhay Lanes” na nagsisilbing alternatibong ruta para sa mga motoristang nais maiwasan ang traffic sa EDSA, lalo na pagsapit ng Christmas season.
Aabot na aniya sa dalawang daang sasakyan na lumabag sa no parking policy sa Mabuhay Lanes ang kanilang nahila noong nakaraang linggo.