Cayetano at Pimentel dating may kaugnayan kay De Lima

By Ricky Brozas September 25, 2016 - 02:21 PM

pimental-cayetano-de-limaSinong mag-aakala na ang dating may client-lawyer relationship ay magkatunggali na ngayon sa Senado?

Si Senador Leila De Lima na isang abogado ay nagsilbi dati bilang election lawyer nina Senador Alan Peter Cayetano at Senate President Koko Pimentel. Hindi lang basta naging abogado nila si De lima, ipinanalo nito ang kanilang mga kaso.

Una na dito ang disqualification case laban kay Cayetano dahil sa isyu ng citizenship, habang naipanalo naman ni De Lima ang electoral protest ni Pimentel dahilan para mapatalsik sa puwesto noong 2011 bilang pang-labingdalawang senador si Juan Miguel Zubiri. Nangyari ang pagpapatalsik kay Zubiri kasunod ng mga alegasyon ng pandaraya noong 2007 elections.

Si De Lima na miyembro ng Liberal Party ay mahigpit na kritiko ng tinaguriang Davao Death Squad o DDS na iniuugnay kay Pangulong Rodigo Duterte pati sa diumano’y extra-judicial killings ng administrasyong Duterte laban sa droga.

Sina Pimentel naman at Cayetano ay mga malalapit na kaalyado ni Pangulong Duterte. Si Pimentel na party-mate ni Duterte ay siya ngayong pangulo ng senado salig sa basbas ng Presidente habang si Cayetano naman ay naging running mate nito noong 2016 Presidential elections.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.