Kinatawan ng Pilipinas, nasungkit ang korona sa Miss United Continents 2016

miss-united-continents
Photo from The Official Miss United Continents’ FB page

Itinanghal bilang Miss United Continents 2016 ang pambato ng Pilipinas na si Jeslyn Santos na ginanap sa Palacio de Cristal sa Guayaquil, Ecuador.

Tinalo ng bente tres anyos na beauty queen ang dalawampu’t pitong kalahok mula sa iba’t ibang bansa.

Sa official website ng nasabing beauty pageant, sinabi ni Pageant Director Maria del Carmen de Aguayo na nagsimula ang naturang kumpetisyon sa kontinente ng Amerika hanggang sa binuksan na sa buong mundo.

Ito ang unang pagkakataon na nakapag-uwi ng Miss United Continents crown ang Pilipinas.

Read more...