Bagyong Helen, bahagyang lumakas; Signal No. 1, nakataas na sa dalawang lalawigan

By Mariel Cruz September 25, 2016 - 01:07 PM

1230pm-helenBahagyang lumakas ang bagyong Helen habang papalapit sa bahagi ng Batanes-Taiwan.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, matatagpuan ang mata ng bagyo sa layong 1,025 kilometers east ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang pinaka malakas na hangin na aabot sa 140 kilometers per hour at pagbugso na 175 kph.

Dahil dito, nananatili pa rin nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Batanes Group of Island kasama na ang Babuyan Group of Islands.

Kasabay nito, inalerto ng PAGASA ang mga local government unit sa Calayan, Cagayan sa posibleng epekto ng bagyong Helen.

Tinatayang gagalaw ang bagyo sa direksyong west northwest sa bilis na 22 kph.

Inaasahan naman na lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Helen, gabi ng Martes.

Sinabi din ng PAGASA sa Miyekules ng umaga ay nakalabas na ang naturang bagyo sa PAR at magtutungo na ito sa Japan.

Asahan din na patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang Metro Manila hanggang Lunes ng gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.