4 na bata kabilang sa mga nasawi sa sunog sa Quezon province

By Angellic Jordan, Mariel Cruz September 25, 2016 - 12:55 PM

cebu-city-fire-photo-cdn-junjie-mendoza
File photo

Nasawi ang lima katao kabilang na ang apat na bata sa naganap na sunog sa isang residential area sa Quezon province, gabi ng Sabado.

Ayon sa police report, kinilala ang mga biktima na sina Joana Marie Durante, 28 years old; Diserie Durante Rey, 7 years old; Paul Jake Durante Rey, 5 years old; Julian Audrey Rey Balabies, 3 years old; at John Lloyd Rey Balabies, 12 years old.

Nagsimula ang sunog bandang 10:45 kagabi sa bahay ng isang Virgilyn Chavez Rey sa Sitio Walang Diyos, Barangay Lalo sa Tayabas City.

Agad naman kumalat ang apoy sa apat na katabing bahay nito.

Pasado alas dos ng hatinggabi nang ideklarang fireout ang naturang sunog.

Hanggang ngayong ay inaalam pa ng otoridad ang pinagmulan ng sunog at halaga ng idinulot na pinsala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.