2 patay sa buy bust operation sa UP Diliman campus, Quezon City

By Mariel Cruz September 25, 2016 - 11:25 AM

police-line-0815Patay ang isang hinihinalang drug pusher at kasamahan nito sa isang buy bust operation sa Barangay UP Campus sa Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon kay QCPD Station 9 commander Supt. Wilson Delos Santos, ikinasa ng kanyang Anti-Illegal Drugs Unit ang buy bust operation sa Arboretum Forest sa UP Campus.

Target aniya sa naturang operasyon ang isang alyas “Lupa”.

Nabatid na pumayag na magbenta si alyas Lupa ng limang daan pisong halaga ng shabu sa isang poseur buyer at isang sibilyan.

Ngunit nang mapansin ni alyas Lupa na ang naturang transaksyon ay isang police operation, nagtangka pa tumakas na nauwi rin sa pagpapalitan ng putok ng baril.

Agad na isinugod ang dalawang sugatang suspek sa East Avenue Medical Center pero binawian din ng buhay dahil sa mga natamong sugat mula sa tama ng baril.

Narekober sa firefight scene ang isang .45 at .38 caliber na mga baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.