Filipino boxer Arthur Villanueva, wagi kontra kay Mexican Juan Jimenez sa rematch sa Pinoy Pride 38

By Mariel Cruz September 25, 2016 - 11:22 AM

kiing-2
Inquirer file photo

Napanatili ni Arthur “King” Villanueva ang kanyang WBO Asia Pacific Bantamweight belt matapos mapabagsak ang Mexican boxer na si Juan Jimenez sa ikalawang round ng kanilang rematch sa Pinoy Pride 38 na ginanap sa StubHub Center sa California.

Isang malakas na suntok ni Villanueva gamit ang kanang kamay ang nagpabagsak kay Jimenez.

Dahil dito, muling nagawa ni Villanueva ang ma-knockout si Jimenez na una ang mukha nang bumagsak.

Ayon kay Villanueva, hindi nito inaasahan na ganun kabilis matatapos ang kanilang laban dahil nakita niya kung gaano ka-kumpiyansa si Jimenez na manalo.

Matatandaang naging kontrobersyal ang first fight ng dalawa noong nakalipas na Mayo kung saan unang napabagsak ni Villanueva si Jimenez.

Marami ang kumuwestiyon sa kanilang unang laban kung kaya’t nagdesisyon ang Pinoy Pride na magkaroon sila ng rematch.

Dahil sa panalo, hawak na ngayon ni Villanueva ang standing na 30 wins at 1 loss kung saan labing anim dito ang knockout.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.