Mahigit 200,000 nag-protesta sa panukalang same sex marriage sa Mexico
Hindi bababa sa dalawang daang libo katao ang nagmartsa sa Mexico City upang pigilan ang hakbang ni President Enrique Nieto na gawing legal ang same-sex marriage.
Sa tala ng National Front for the Family, tinatayang nasa 215,000 na indibiduwal ang nakiisa sa kilos protesta na itinuturing na pinakamalaking protestang isinagawa sa Mexico.
Suot ang puting damit at dala ang putinng mga lobo, ibinandera ng mga nagpo-protesta ang mga banners na may nakasulat na mga mensaheng pagkontra sa same sex marriage.
Bukod dito, hinihiling din ng mga ito ang pagkakaroon ng karapatan ng mga magulang na makontrol ang sex education sa mga eskwelahan.
Mayroon din mga banner na nakasulat ang mensaheng “an adopted child deserves a mother and a father.”
Pahayag ng ilang sa mga nagkilos protesta, hindi sa ‘sexual identity’ ng sinuman sila tumututol, kundi sa ‘gender ideology’ na nais isama ng kanilang gobyerno sa edukasyon.
Bilang mga relihiyosong tao, hindi anila gusto ang makasal sa kaparehong kasarian at pagkatapos ay tatawagin itong “marriage”.
Matatandaang noong nakalipas na Mayo, ipinanukala ni President Nieto na gawing legal ng same-sex marriage sa buong Mexico.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.